Mga Tuntunin ng Pag-uugali

Ang City Manager ay nagpahayag nitong mga tuntunin para sa lahat ng aklatan ng Lungsod ng Long Beach alinsunod sa Long Beach Municipal Code. Itong mga tuntunin ay binalangkas para matiyak na ang mga aklatan at mga pasilidad ng miting ay sinisilbi ang kanilang mga dahilan, kasama, ang probisyon ng maayos na kapaligiran kung saan ang mga taon ay maaring magbasa, mag-aral, gamitin ang mga materyales at mga kasangkapan ng aklatan o mga programa ng komunidad.

Malugod na pinapagamit ng Long Beach Public Library ang lahat ng mga mga pagkukunan at serbisyo. Ang tauhan ng aklatan ay nagsisikap para maghatid ng magalang na customer service sa lahat ng mga patron, magbigay ng lubusan at wastong serbisyo ng impormasyo, at pagpatakbo ng ating pasilidad na para sa kapakanan ng lahat mga patron. Ang intensyon ng mga tuntunin ng pag-uugali ng Long Beach Library ay para protektahan ang mga karapatan at kaligtasan ng mga patrong ng aklatan, boluntaryo, at tauhan para mapanatili ang mga materyales ng aklatan, pasilidad, at kasangkapan.

Ang Tuntunin ng Paguugali ay tinitiyak na ang mga karapatan ng patron, boluntaryo, at mga tauhan ay pinanatili at ang propyedad ng aklatan ay protektado. Itong mga tuntunin ay magiging angkop sa lahat ng gusali, sa loob at sa labas, at lahat ng paligid ay kontrolado at pinatatakbo ng Long Beach Public Library. Mga indibidwal na hindi sumusunod sa mga tuntunin ng pag-uugali ng ng aklatan o ang mga hiling ng tauhan ng aklatan o ang seguridad paa baguhin ang kanilang paguugali para sumunod sa mga tuntunin na ito ay maaring hilingin na umalis ng aklatan, at maaaring ma-aresto, o mapailalim ng isang aksyon ng batas.

Pinapayagan ng batas ng estado ang mga tauhan na inspeksyonin ang mga bag, paketa, briefcase, at iba pang mga pakete para maiwasan ang mga pagnanakaw ng mga libor at mga materyal ng aklatan (Cal. Pen. Code section 490.5). Karagdagan, ayon sa batas isang misdemeanor ang paggupit, pagpunit, pagsulat, pagsira, pagwasak, o pananakit ng mga propyedad ng aklatan. (Cal. Ed. Code section 19910).

Maaaring isuspende ang mg pribilehiyo ng aklatan para sa hindi pagsunod o mga pagulit ng mga pagkakasala, ang isang patron ay maaaring manatili sa pasilidad ng aklatan kung sila ay susunod sa mga instruksyon ng tauhan.

Mga menor de edad na lumbag sa mga Tuntunin ng Paguugali ay maaring masususpende ang kanilang mga pribilehiyo at bawat pagsisikap ay gagawin ng mga tauhan ng aklatan para kontakin ang magulang o tagapag-alaga. Ang tagal ng suspensyon ay malalaman depende sa caso ayon sa administrasyon ng aklatan.

Para sa kaligtasan at kaginhawaan ng mga patron, boluntaryo, at taihan, at lumikha ng kapaligiran na ankgop sa operasyon ng aklatan, mga patron ay dapat sumunod sa mga gabay na ito:


Unang baitang ng mga tuntunin

  1. Walang mga adulto sa lugar na tinakda para sa mga bata maliban kung may kasamang bata o kung ang adulto ay kailangan makakuha ng mga koleksyong pambata.
  2. Walang hindi awtorisadong paggamit ng library card ng iba o account number.
  3. Walang pauugali, kasama ang hindi makatwirang ingay, na nakagagambala sa ibang gumagamit ng aklatan.
  4. Huwag sarillhin ang mga espasyo ng aklatan o mga pagkukunan para hindi magamit ng iba.
  5. Huwag harangan ang mga daanan, hagdatn, elevator at mga rampa.
  6. Huwag magdala ng mga bagay na mas malaki sa 26” x 24” x 14”.
  7. Huwag mag-iwan ng mga personal na bagay ng walang bantay.
  8. Bawal ang paggamit ng mga rollerskate, scooter, skateboard, bisikleta, at iba pa. Walang angkop na mga lagayan ng mga micromobility na sasakayan (halimbawa, bisikelta, e-bike, mga de motor na scooter).
  9. Bawal kumain o uminom maliban sa mga takdang lugar. Mga basong may takip ay pinapayagan.
  10. Bawal pumasok sa aklatan ng walang sapat na suot. Mga patron ay dapat magsuot ng pantaas, pangbaba at sapatos.
  11. Bawal pumasok sa aklatan kapag may personal na ayos/amoy na nakakaabala sa iba.
  12. Bawal ang hindi tamang paggamit ng teknolohiya ng aklatan gaya ng isinalarawan sa Patakaran ng Paggamit ng Internet.
  13. Bawal humig sa sahig o sa mga muebles o iba pang mga muebles ng aklatan, fixtures, o espasyo na hindi dapat gamitin.
  14. Walang personal na pag-ayos, kasama ang pagligo, pag-ahit, pagshampoo, at paglaba o iba pang pagsasagwa ng personal na kalinisan sa loob o labas ng restroom ng aklatan.
  15. Bawal magpaskil, mamigay ng hindi awtorisadong mga materyal, halimbawa, para sa negosyo, patalastas at mga flyers na relihiyoso o politico.
  16. Bawal ang pagkuha ng litrato o pagbideyo ng walang pahintulotk o para sa media o patalastas ng walang permiso mula sa adminsitrasyon ng aklatan.
  17. Bawal manghingi.
  18. Bawal iiwan ang mga bata na mas bata sa edad na 10 o mga inaalagang adulto na walang bantay.
  19. Bawal magdala ng mga hayop maliban sa mga hayop na pang serbisyo gayan ng isinalarawan sa Americans with Disabilities Act (“ADA”) sa aklatan.

Mga pribilehiyo ng aklatan na maaring ma-suspende ay ang mga sumusunod:

UnaIka-2 PaglabagIka-3 o mas marami pang paglabag
Sumunod o umalis 3 buwan 3 buwan

Ikalawang baitang ng mga tuntunin

  1. Bawala manigarilyo o mag-vape.
  2. Bawala makialam sa mga empleyado ng aklatan sa kanilang mga tungkulin, at/o hindi pagsunod sa anumang instruksyon ng tauhan o ng seguridad.
  3. Walang pagpapakita ng sintomas ng na sa ilalim ng impluwensiya ng drogas o alkhohol nang nagiging abala sa ibang taon.

Mga pribilehiyo ng aklatan na maaring ma-suspende ay ang mga sumusunod:

UnaIka-2 PaglabagIka-3 o mas marami pang paglabag
3 buwan 6 buwan 1 taon

Ikatlong baitang ng mga tuntunin

  1. Bawal ang pananakot, panlilinlang, o pagbanta sa mga pagron, tauhan, o boluntaryo, kasama nugnit hindi limtado sa pagtitig, stalking, pagsilip, pag-ulit na mga tanong na personal o nakakahiya, o mga atensyon na likas na sekswal, mga banta na aktwal o mga pahiwatig na pagbabanta ng pananakit sa ibang tao, at mga pananalita ng diskriminasyon tungkol sa hitsura, lahi, etnisidad, kasariank o oryentasyong sekswal.
  2. Bawal ang trespassing sa mga hindi pampublikong lugar; walang pwede sa mga pasilidad ng aklatan ng walang permiso mula sa isang awtorisadong empleyado ng aklatan bago o pagkatapos ng mga oras ng operasyon.
  3. Bawala ang pisikal na away.
  4. Bawal ang mga sandata o malalaking bagay na maaaring gamitin bilang sandata tulad ng golf clubs, kahoy, o mga baseball bat.
  5. Walang mga sekswal na paguugali o mga mahalay na pag-asal.
  6. Bawal ang manganakaw o tangkang pagnanakaw ng ari-arian ng aklatan.
  7. Bawala ang pagsira o pagwasak ng ari-arian ng aklatan.
  8. Bawal ang pagkonsumo ng drogas o alak sa propyedad ng aklatan.
  9. Bawal makilahok sa anumang aktibidad na lumalabag sa mga batas na pederal, estado at lokal.

Mga pribilehiyo ng aklatan na maaring ma-suspende ay ang mga sumusunod:

UnaIka-2 PaglabagIka-3 o mas marami pang paglabag
1 taon 1 taon 1 taon

Proseso ng Pag-Apila

Mga patron ng aklatan na nakatanggap ng sulat ng paunawa ng suspensyon ng mga pribilehiyo ng aklatan ay maaaring magsampa ng apela laban sa desisyon sa loob ng pitong araw mula sa simula ng suspensyon sa pagsumite ng kopya ng porm ng Hiling para sa Apela ng Suspensyon sa Aklatan. Mga kopya ng porm ay makukuha sa lahat ng lokasyon ng aklatan ay dapat isumite sa opisina ng Clerk ng Lungsod sa loob ng pitong araw mula sa simula ng suspensyon. Mga indibidwal na hindi maaaring sumali sa isang proseso ng pagsulat ay maaaring kontakin ang Adminstrasyon ng Aklatan sa pagtawag sa 562-570-7500 para ipaalam sa kanila ng kagustuhan na magsampa ng apela. Ang apela ay pag-aaralan ng City Manager o ng kanilang kinatawan. Paunawa ng petsa ng pagdinig ay ihaharap sa tao na nasa ilalim ng suspensyon ng di kukulang sa limang (5) araaw bago pagdinig. Kung ang aklatan ay walang access sa direksyon ng tao, ang naka-iskedyul na oras para sa kanilang pagdinig ng apela ay makukuha sa unang palapag, sa security desk sa Billie Jean King Main Library. Ang suspensyon ng mga pribilehiyo ng aklatan ay mananatili na may bisa sa panahon ng proseso ng pag-apela. Ang desisyon kung itutuloy ang suspensyon ay gagawin sa loob ng tatlumpung (30) na araw. Kung ang patron ay nais na i-apela ang desisyon ng City Manager o ng kaniyang kinatawan, maaari silang magsampa ng apela sa Konseho ng Lungsod sa loob ng sampunt (10) araw.