Low Graphics Version
Saturday, October 11, 2008 
  ... > City Clerk > Election & Voter Information > Tagalog Home Page
 

Home Page ng Impormasyong Nauukol sa Botante at sa Eleksyon

Malugod namin kayong binabati. Ito ang home page ng Klerk ng Lungsod para sa impormasyong nauukol sa pagboto at sa eleksyon. Ang aming layunin ay ang makapagbigay sa aming mga botante at mga residente ng impormasyon na kakailanganin nila upang magamit nila nang lubusan at sa tamang paraan ang kanilang mga karapatan sa pagboto. Ang impormasyon ay pinagbukod-bukod ayon sa mga sumusunod na paksa: pangkalahatang impormasyon tungkol sa proseso ng pagboto, ang kasalukuyan o ang malapit nang idaraos na eleksyon, ang mga kandidato at ang mga isyu. Mayroon ding impormasyon tungkol sa inyong presinto ng botohan at kung paano magboluntaryo na maging poll worker. Mayroon ding isang seksyon para sa mga kandidato sa isang malapit nang idaraos na eleksyon o para sa mga maaaring nagnanais magkandidato sa mga eleksyon sa darating na panahon.

Ang impormasyon ay hinanda sa wikang Ingles at saka sa mga sumusunod na wika na ipinag-uutos ng batas: Espanyol, Khmer, Tagalog at Vietnamese. Ang aming tapat na hangarin ay ang mapaglingkuran ang lahat ng nasa Long Beach at saka ang mga botante na nasa Long Beach Unified School District at nasa Long Beach Community College District sa panahon ng bawat eleksyon.

Ang web site ay pinagbukod-bukod sa mga masasaklaw na kategorya na tumutukoy sa pangkalahatang impormasyon at impormasyong nauukol sa tiyak na eleksyon.

Pangkalahatang Impormasyon:

Pangkalahatang kabatiran tungkol sa mga eleksyon; mga uri ng mga eleksyon, pangkalahatang kalendaryo ng mga eleksyon, mga importanteng kontak, kailan at paano maging isang kandidato

Impormasyong Nauukol sa Eleksyon:

Impormasyong nauukol lamang sa pinakahuling nagsimula na pangkasalukuyang ikot ng mga pangyayari sa eleksyon. Ang mga kandidato at mga isyu na isasali sa susunod na balota pati na rin ang mga patalastas tungkol sa malapit nang idaraos na eleksyon.

Impormasyong Nauukol sa Botohan:

Impormasyon tungkol sa lugar ng botohan, at ang iba’t ibang paraan ng pagboto. Magpatala upang maging poll worker, mag-alok ng lugar na maaaring maging presinto ng botohan at kung paano mahanap ang inyong presinto ng botohan.

Resulta ng Eleksyon:

Mga resulta ng kasalukuyang eleksyon at ng mga nakaraang eleksyon.

Impormasyon para sa mga Kandidato:

Paano maging isang kandidato, pagsusumite ng ulat ng pananalapi at kung paano isusumite nang online ang inyong inirereport na impormasyon. Kailangang subaybayan ng mga kandidato ang seksyong ito para sa mga importanteng patalastas na nakaaapekto sa inyong kandidatura.


City Clerk Home Page | Elections Home Page | Elections General Information
Current Election Information
| Polling Place Information

 
  Copyright © 2000 - 2008    Privacy Policy Top   
  City of Long Beach, 333 W. Ocean Blvd, Long Beach, CA 90802   Tel: (562) 570-6555 Powered by Civica Logo